^

Police Metro

Napagkamalang unggoy binoga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahilan sa pag-aakalang unggoy, dedo ang isang binatilyong katutubo nang  barilin ng isang mangangaso sa itaas ng punong-kahoy sa bayan ng Narra, Palawan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na duguang bumagsak mula sa punong-kahoy na si Bernard Bacaltos, 16 anyos na mula sa lipi ng mga katutubong Tagbanua sa lalawigan.

Ang suspek na nakilala namang si Normando Bungkas, 42 at residente sa nasabing bayan.

Sa ulat ng Palawan Police, naganap ang insidente bandang alas-4 ng hapon habang nangangaso ang nasabing suspek at naghahanap ng tatargeting ibon, paniki at unggoy.

Nagulat umano ang suspek ng may kumaluskos sa itaas ng puno at dahil inakalang unggoy ang biktima ay mabilis nitong binaril ang huli.

Sumuko naman sa mga opisyal ng barangay  ang suspek  na nangatuwirang aksidente ang pangyayari dahil akala niya ay unggoy ang kaniyang tinarget sa itaas ng punong-kahoy.

vuukle comment

BERNARD BACALTOS

DAHILAN

KINILALA

NAGULAT

NORMANDO BUNGKAS

PALAWAN

PALAWAN POLICE

SUMUKO

TAGBANUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with