^

Police Metro

Totoy binu-bully ng kaklase, nagbigti

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Mahal na mahal ko kayo, nagpakamatay ako dahil sa aking classmate na inaaway ako palagi, love ko kayo lalo at si lola, I love you mommy, dad, I love you so much”.

Ito ang iniwang suicide note ng isang 14-anyos na binatilyo bago ito natagpuang nakabigti sa kisame ng kanilang bahay sa Bry. Poblacion, Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Ang nasawi ay kinilalang si Jerson Callo Jr., Grade 8 student ng Tungawan National High School sa bayang ito.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, ang insidente ay nadiskubre  ng tiyahin ng biktima na si Gina Callo Dimasuhid na kararating lamang sa kanilang tahanan galing sa bayan ng Remedios Trinidad Lim.

Ang biktima ay nakabigti sa palupo ng kisame na nakatali ng kable sa leeg.  Ang binatilyo ay nakikituloy lamang sa tahanan ng tiyahin nito.

 Pinaniniwalaan namang naganap ang pagpapakamatay ng biktima sa pagitan ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng tanghali.

Nabanggit ng biktima sa isang kaibigan na bago gawin ang pagpapakamatay nito ay masama ang loob nito  sa isa niyang kaklase na palagi umano siyang tampulan ng tukso at binu-bully.

Isinailalim sa post mortem examination ang bangkay ng biktima upang mabatid kung walang naganap na foul play.

 

vuukle comment

BRY

GINA CALLO DIMASUHID

ISINAILALIM

JERSON CALLO JR.

POLICE REGIONAL OFFICE

REMEDIOS TRINIDAD LIM

TUNGAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with