^

Police Metro

Mister may iba, misis naglason

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nakayanan ng isang 30-anyos na misis ang sobrang selos na gumugulo sa kanyang isipan na ang kanyang mister ay may ibang babae kung kaya’t nagawa nitong tapusin ang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason kamakalawa sa Brgy. Kabatan, Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang nasawing biktima na si  Juliet Malintad,  residente sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago natagpuang nakahandusay dakong alas-3:00 ng hapon ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa Purok Cadena de Amor, Brgy. Kabatan, Vincenzo Sagun ay nagkaroon muna sila ng tampuhan ng kanyang mister na si Oscar Alicaway.

Pinararatangan umano ng ginang ang mister na may ibang babae ito dahil nanlalamig na ito.

Umalis ang biktima bandang  alas-8:00 ng umaga sa kanilang bahay at nanguha ng tubli, isang uri ng halamang ugat na nakalalason na umano’y hinaluan pa ng gas saka nito ininom.

Laking gulat ng mister nang makitang  naka­handusay at bumubula ang bibig ng biktima  na agad binawian ng buhay.

vuukle comment

BATAY

BRGY

JULIET MALINTAD

KABATAN

KINILALA

OSCAR ALICAWAY

PUROK CADENA

VINCENZO SAGUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with