^

Police Metro

Kawani ng KTV sinalubong ng kamatayan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinalubong ng kamatayan ang isang 49-anyos na kawani ng isang KTV bar nang barilin ito sa ulo habang papasok sa kanyang kotse ng isang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Ang biktima na idineklarang dead-on- arrival sa Ospital ng Maynila ay kinilalang si Frank La Rosa, may-asawa, nagtatrabaho sa O­range 5 KTV Bar,  Mabini St., panulukan ng Sinagoga St., Malate.

Inilarawan ng mga saksi ang suspek na lulan ng motorsiklong kulay pula na “XRM” na  hindi naplakahan, nakasuot ng helmet at jacket na puti at may taas na 5’6” hanggang 5’7”.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw ay pasakay na ang biktima sa kaniyang Honda Civic (TRH-498) na nakaparada sa harap ng pinapasukang bar nang lapitan ito ng   suspek at walang kaabog-abog na binaril sa ulo at pagkatapos ay tumakas.

vuukle comment

BATAY

FRANK LA ROSA

HONDA CIVIC

INILARAWAN

MABINI ST.

MAYNILA

OSPITAL

SINAGOGA ST.

SINALUBONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with