^

Police Metro

Bebot todas sa 2 ‘road rage’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo  ang isang hindi pa nakikilalang babae nang tamaan ng ligaw na bala buhat sa dalawang lalaking namaril malapit sa isang terminal ng tricycle sa Valenzuela City, kahapon ng mada­ling araw.

Ayon sa pulisya,  ina­alam pa rin ang pagkakakilanlan ng biktima na nagtamo ng tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan.  Masusing sinisiyasat naman ang pagkakakilanlan din ng  dalawang tumakas na suspects na naiwan sa lugar ang sinasakyang trak (WTS-859).

 Sa inisyal na ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang bigla na lang pagbabarilin ng dalawang nasabing suspects ang isang sasakyan sa tapat ng North Luzon Expressway sa C5, Brgy. Ugong, ng natu­rang lungsod.

 Sinuwerte naman na makatakas ang binaril na sasakyan ngunit minalas na tinamaan ng ligaw na bala ang biktimang babae na siyang napuruhan.

 Mabilis na tumakas ang mga suspects  at sa pagmamadali ay iniwan na lamang ang sinasak­yan nilang trak.  Ang naturang trak ngayon ang gagamitin ng pulisya upang matukoy ang mga ito.

vuukle comment

AYON

BRGY

MABILIS

MASUSING

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SINUWERTE

UGONG

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with