^

Police Metro

Mister nagbigti sa apartelle

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang mister ang nagbigti sa kisame ng isang kuwarto ng apartelle sa Quezon City, ilang oras makaraang mag-check-in na mag-isa, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Julius Raz, imbestigador, ang biktima na si Frederick Fernandez, 45, may-asawa, walang trabaho ng Brgy. Bagbaguin, Mey­cauayan Bulacan.

Ayon kay Raz, nadiskubre ang biktima sa loob ng room 20 ng isang apartelle na matatagpuan sa panulukan ng Edsa at Aurora Blvd., Brgy. Socorro, Cubao, ganap na alas-10:00 ng gabi.

Bago ito, alas-7:00 ng gabi nang mag-isang nag-check ang biktima sa nasabing apartelle, para sa tatlong oras na pamamahinga dito.

Ayon kina Mary Jane Ortega at security guard na si Vicente Bea, matapos ang tatlong oras na konsumo na upa sa kuwarto, nagpasya silang puntahan ang kuwarto ng biktima para ipaalala ito, pero sa kabila ng paulit-ulit nilang pagkatok sa pinto ay walang sumasagot sa loob.

Dahil dito, nagpasya ang dalawa na buksan ang pinto sa pamamagitan ng duplicate key kung saan bumulaga sa kanilang harapan ang biktima habang walang buhay na nakabigti sa kisame gamit ang tuwalya na ipinalupot sa kanyang leeg.

Agad na ipinagbigay alam ng mga saksi ang insidente sa mga awtoridad para sa kaukulang desposisyon.

Sa pagsisiyasat, bukod sa bakas ng pagsakal, may nakita din sa tabi ng biktima ng isang parte ng doorknob na maaring ginamit nito sa paglaslas sa kanyang pulso.

Hindi pa batid ng pulisya ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima na posibleng may malaking problema.

Gayunman, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoriodad upang mabatid kung may foul play sa naganap na insidente.

vuukle comment

AURORA BLVD

AYON

BIKTIMA

BRGY

FREDERICK FERNANDEZ

JULIUS RAZ

MARY JANE ORTEGA

QUEZON CITY

VICENTE BEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with