^

Police Metro

Mag-asawang matanda tinodas ng magnanakaw

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ang isang mag-asawang matanda ng dalawang lalaki na pumasok sa kanilang bahay kahapon ng mada­ling-araw sa Caloocan City.

Namatay noon din ang 74-anyos na si Herminigildo Suarez, ng La Forteza Subdivision, Brgy. 175, Camarin, ng naturang lungsod. Habang ang misis nito na si Rosalina, 75 ay idineklarang dead on arrival sa Bernardino Hospital.

Agad na naaresto ng pulisya ang isang suspek na si Efren Camposano habang pinaghahanap pa ang kasamahan na nakilala lamang sa alyas “Berber”.

Sa imbestigasyon ng pulisya na posibleng dakong alas-4:50 ng madaling araw nang magi­sing ang mag-asawa nang marinig nilang humihingi ng saklolo ang 13-anyos na dalagita na itinago sa pangalang Nene na kasama ng mag-asawa sa bahay.

Nang makita ng suspek na si alyas Berber ang dalawang  matanda ay agad na sinalubong ito ng mga saksak.

Nagawa namang makalabas ng bahay ang dalagita at nagsisigaw ng saklolo sa mga kapitbahay at naaresto ng mga residente at tanod si Camposano.

vuukle comment

BERNARDINO HOSPITAL

BRGY

CALOOCAN CITY

CAMPOSANO

EFREN CAMPOSANO

HABANG

HERMINIGILDO SUAREZ

INATADO

LA FORTEZA SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with