^

Police Metro

2 service crew na-hit and run

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang service crew ng Max’s Restaurant ang nasugatan matapos na sila ay ma-hit and run ng isang toyota crown (TEJ-967) habang tumatawid sa Roxas Boulevard kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Nasa kritikal na kondisyon ang biktimang si Valerie Aniel, 27, residente ng Las Piñas City dahil sa tinamong sugat sa  kanang binti, putok ang ulo.

Ang ikalawang biktima ay si Kelvin Principu, 20-anyos na nasa ligtas ng  kalagayan matapos na  pasa at galos lamang ang tinamo sa ulo, mukha at katawan at kapwa service crew ng Max’s Fried Chicken Restaurant na matatagpuan sa loob ng Harrison Plaza.

Sa impormasyon mula sa Philippine Red Cross, dakong alas-2:10 ng madaling-araw nang respondehan nila ang insidenteng naganap sa  southbound lane ng Roxas Blvd., at  nadatnan na walang malay na nakahandusay na babaeng biktima.

Sa salaysay ni Principu, kapwa sila kapwa uminom ng alak ni  Aniel sa isang bar dahil sa end of contract na sila o huling araw na nila sa trabaho sa nasabing restaurant.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala namang sumasagot at pawang ‘ring’ lamang ng telepono ang halos lahat ng contact numbers ng Manila Traffic and Enforcement Unit na pinamumunuan ni C/Insp. Olivia Sagaysay kaya’t hindi makuhanan ng update sa nasabing aksidente.

vuukle comment

FRIED CHICKEN RESTAURANT

HARRISON PLAZA

KELVIN PRINCIPU

LAS PI

MANILA TRAFFIC AND ENFORCEMENT UNIT

OLIVIA SAGAYSAY

PHILIPPINE RED CROSS

ROXAS BLVD

ROXAS BOULEVARD

VALERIE ANIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with