^

Police Metro

Driver todas sa ex ng lover

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng buhay ng isang truck driver ang pakikipagrelasyon sa isang ginang na hiwalay sa asawa matapos na siya ay saksakin ng dati nitong mister kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ay kinilalang si Cresencio Milagrosa Jr., 53, ng  Block 17, Zone 14, Baseco Compound, Port Area, Maynila sanhi ng  tinamong saksak sa kaliwang dibdib.

Ang suspek ay kinilalang si Jerson Lastina, tinatayang nasa ng 55-60 ang edad, may taas na 5’7” hanggang 5’9” at nakatira sa Cavite.

Sa ulat dakong alas-11:00 ng gabi nang mamataan ng suspek ang biktima na hawak nito ang kamay ng dating misis na si Lyn Tarrago habang naglalakad mula sa isang grocery sa Port Area, Maynila.

Pagdating sa  madilim na lugar ay bigla na lamang nilapitan ng suspek ang biktima at pinagsaasaksak.

Nabatid na nakipaghiwalay si Tarrago sa suspek at sumama sa biktima.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

CAVITE

CRESENCIO MILAGROSA JR.

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JERSON LASTINA

LYN TARRAGO

MAYNILA

NABATID

PAGDATING

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with