^

Police Metro

Nagtanggol sa alagang aso, dedbol

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang vendor nang ito ay barilin ng isang sekyu na nakatalo nito dahil sa alaga nitong aso naganap kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Danilo Simeon, 46, may-asawa, residente sa 123 M. Acosta St., ng lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Eduardo D. Villareal, nasa hustong gulang, miyembro ng Kislap Security Agency at nakatalaga sa   Building 1, kanto ng M. Acosta St., at F. B. Harrison.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen,dakong alas-5:25 ng umaga sa harapan ng gusali na kung saan sa harap ay nagtitinda ng sapatos ang biktima na alisin sa harapan ng binabantayang gusali ang alaga nitong aso dahil sa nakakaistorbo sa mga pumapasok na kustomer.

Tumanggi ang biktima na alisin ang alagang aso at sa halip nakipag-away sa suspek ay binato ng bato.

Nainis ang suspek at kinuha ang kanyang baril at binaril ang biktima.

vuukle comment

ACOSTA ST.

ASO

BATAY

BIKTIMA

DANILO SIMEON

EDUARDO D

KISLAP SECURITY AGENCY

NAINIS

PASAY CITY

TUMANGGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with