^

Police Metro

Tirador ng panabong na manok inasinta sa ulo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumagsak sa estero ang isang lalaki na suspek sa pagnanakaw ng panabong na manok nang ito ay barilin sa ulo habang nasa bintana para tumakas naganap kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Maynila.

Inilarawan ang suspek na nasa pagitan ng edad 38-42, may taas 5’6”-5’8”, katamtaman ang panga­ngatawan, nakasuot ng kulay khaki na short pants at naka­yapak.

Sa ulat, alas-2:00 ng madaling-araw nang magnakaw umano ng manok ang suspek sa Alvarado St., Binondo, Maynila kaya’t hinabol  ito ng mga nakakitang tambay, subalit  nakatakas nang makatalon sa estero.

Ilang sandali ay namataan muli ng mga residente ang suspek  na nasa  ibabaw ng window grill ng isang condomimium unit sa ikaapat na palapag ng no. 915 Masangkay St., Binondo na kung saan ay may bumaril dito at bumagsak sa estero.

 

vuukle comment

ALVARADO ST.

BINONDO

BUMAGSAK

ILANG

INILARAWAN

MASANGKAY ST.

MAYNILA

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with