^

Police Metro

QCPD official utas sa ambush

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang opisyal ng Quezon City Police Distric (QCPD) makaraang tambangan ng apat na armadong suspek sa Barangay Batasan, sa Quezon City kahapon ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Insp. Rodelio Diong­co, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Intelligence Unit ng QCPD  Station 12.

Nabatid na dakong alas-2:10 ng hapon nang tambangan ng apat na armadong suspek na sakay ng tig-isang motorsiklo ang biktima habang sakay ito ng kanyang owner type jeep sa may IBP Road, tapat ng Batasang Pambansa.

Kahit sugatan, nagawa pa umanong makalabas ng sasakyan ang biktima at makipagbarilan sa mga suspek, subalit nagloko ang baril nito kaya siya napuruhan sa putukan at masawi.

Narekober sa crime scene ang may 16 na basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

BARANGAY BATASAN

BATASANG PAMBANSA

INTELLIGENCE UNIT

KAHIT

NABATID

NAKILALA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRIC

RODELIO DIONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with