^

Police Metro

Negosyante nag-dive sa condo, todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang negosyante makaraang aksidente umanong mag-dive sa fire exit ng kanyang tinutulu­yang condominium sa Quezon City, kahapon ng umaga.

 Kinilala ni PO2  Julius Balbuena, may-hawak ng kaso ang biktima na si Edwin Pichay, 50, may-asawa, nakatira sa Future Plaza II Condominium na makikita sa #115 Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle sa lungsod.

 Si Pichay ay natagpuan ng mga awtoridad na wala ng buhay na nakahandusay sa simento sa baba ng kanyang tinutuluyang condo.

 Bago nakitang wala ng buhay ang biktima ay inireklamo ito ng isang bebot na nakilalang si Honnecel Pangusan dahil sa umano’y ginawa nitong pananakit.

Ayon sa report, nagpunta sa condo unit ng biktima ang mga pulis na sina PO2 Ladgerio Camacam, PO1 Michael Formento, at Julius Dela Cruz para kuwestiyunin hinggil sa reklamo laban sa kanya ni Pangusan.

Habang kumakatok umano ang  mga otoridad sa pinto ng condo unit ng biktima nang makarinig sila ng malakas na kalabog at nang siyasatin ay doon nakitang nakahandusay at wala ng buhay ang biktima.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), sinasabing ang sanhi ng pagkamatay ng negosyante ay matinding injury sa kanyang ulo at pagkabali ng kaliwang braso.

 

vuukle comment

EDWIN PICHAY

FUTURE PLAZA

HONNECEL PANGUSAN

JULIUS BALBUENA

JULIUS DELA CRUZ

LADGERIO CAMACAM

MICHAEL FORMENTO

MOTHER IGNACIA ST.

QUEZON CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with