^

Police Metro

E-subpoena inilunsad

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na mapapabilis ang pagdadala ng subpoena at court notices sa pamamagitan ng internet matapos na ilunsad ang ‘e-subpoena system’ kahapon sa Camp Crame.

 Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na ang  “e-subpoena system” ay naglalayong palakasin pa ang sistema ng hustisya ng pamahalaan kung saan ang bawat subpoena na inisyu ng korte ay dapat makara­ting kaagad sa imbestigador na humahawak sa kaso.

“Matitiyak nito na makakarating sa tamang tao ang mga subpoena, maging sa malalayong lugar,” paliwanag pa ng Kalihim na iginiit pang magkakaroon ng katuparan ang kautusan ni Pa­ngulong Aquino na tiyakin ang pagkakaroon ng hustisya at hindi basta magtiis na lamang.

Dumalo rin sa paglulunsad ng “e-subpoena system” sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Justice Secretary Leila de Lima  sa memorandum of agreement para dito.

Sinabi ni Roxas na kung sa postal service o hand carry mails dadaanin ay 10-15 araw bago makarating ang subpoena, samantalang sa pamamagitan ng e-mail ay higit na mabilis at sa isang click lang ng ‘mouse ‘ ay matatanggap na ito.

vuukle comment

AQUINO

AYON

CAMP CRAME

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

DUMALO

JUSTICE SECRETARY LEILA

KALIHIM

SUBPOENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with