^

Police Metro

Magpinsan nalunod sa ilog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa natagpuang lumulutang sa ilog ang isang magpinsan matapos na sila ay malunod habang naliligo sa ilog kamakalawa sa Brgy. Sto Niño, Sindangan, Zamboanga del Norte.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Michelle Vergara, 11 at Ivy Balili, 13 pawang residente ng Brgy. Paraiso ng bayang nabanggit na magkasunod na lumutang isang oras makaraang malunod ang mga ito sa ilog ng nasabing barangay.

Sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga nang magkayayaang maligo sa ilog ang magpinsan sanhi ng mainit na panahon at habang masayang naliligo ay napagawi sa malalim na bahagi ng ilog si Michelle na nalunod sa insidente.

Habang ito ay nagkakawag sinaklolohan naman ito ng pinsan na si Ivy kung saan nanguyapit rito ang una bunsod upang kapwa sila malunod.

Isang oras ang nakalipas bago narekober ang bangkay ng magpinsan.

vuukle comment

BRGY

HABANG

ISANG

IVY BALILI

KAPWA

MICHELLE

MICHELLE VERGARA

NORTE

STO NI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with