^

Police Metro

Sekyu dinedo ng kabaro

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Wasak ang tiyan ng isang 44-anyos na security guard nang ito ay barilin ng shotgun ng kabaro habang kapwa binabantayan ang bodega ng kumpanyang pinapasukan naganap kahapon ng umaga sa main gate ng kumpanyang kemikal sa Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Roger Legaspi, 44. Habang ang suspek na tumakas ay kinilalang si Marcelino Salazar, 43.

Sa salaysay ng isang sekyu na Ronel del Rosario, dakong alas-5:30 ng umaga habang siya ay nagpapatrulya sa paligid ng bodega ng Trans World Company nang makarinig siya ng malakas na putok ng baril mula sa main gate.

Agad itong pinuntahan at dito ay tumambad sa kanya ang duguang katawan ng biktima habang hindi wala na ang suspek.

Agad niya itong inireport sa kanyang superior na siyang tumawag ng pulis.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo nang pamamaril ng suspek sa biktima.

vuukle comment

BRGY

HABANG

MARCELINO SALAZAR

NOVALICHES

PATULOY

QUEZON CITY

ROGER LEGASPI

RONEL

SAUYO

TRANS WORLD COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with