^

Police Metro

79-anyos lola inutas ng manugang at 2 apo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtulungang patayin ang isang 79-an­yos na lola ng kaniyang manugang na babae at dalawang apong  lalaki kamakalawa sa bayan ng Josefina, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktima na si Heleria Montepon Gumilid. Habang naaresto agad ang mga suspek na sina Myrna Gumilid, 49, at dalawa nitong anak na lalaki na sina Rene Boy, 28, may-asawa at Joseph, 23; pawang residente ng Brgy. Moraji, Josefina ng lalawigang ito.

Sa ulat  ni Sr. Ins­pector Joseph Ortega, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang malagim na krimen sa loob ng bahay ng mga suspek nasabing lugar matapos na magtungo ang nasabing matanda upang bisitahin ang kaniyang apong lalaki na umano’y may diperensya sa pag-iisip.

 Gayunman habang nasa loob ng bahay ng mag-iina ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng magbi­yenan.

Ilang saglit pa ay big­la na lamang kumuha ng itak ang ginang at pinagtataga ang biyenan kung saan tumulong pa sa pagpatay rito ang dalawang anak.

Nasawi noon din ang matanda sa dami ng taga na tinamo sa katawan nito.

vuukle comment

BRGY

GAYUNMAN

HELERIA MONTEPON GUMILID

JOSEFINA

JOSEPH ORTEGA

MYRNA GUMILID

POLICE REGIONAL OFFICE

RENE BOY

SR. INS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with