^

Police Metro

Turistang Haponesa ginahasa ng masahista

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaking masahista matapos na hala­yin nito ang kustomer niyang turista na Haponesa sa loob ng isang spa kamakalawa sa Quezon City.

Ang suspek ay kinila­lang si Bonifacio Pata, 26, massage attendant ng spa na matatagpuan sa Maginhawa St., at residente ng  Veterans Village, Barangay Pasong Tamo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi ay nagtungo ang biktima sa nasabing spa para magpamasahe ng kanyang katawan.

Nagkataon na walang babaeng masahista na maa­ring humawak sa dayuhan, kung kaya ang suspek ang siyang natokang magsagawa ng dry massage sa biktima.

Una ay binigyan ni Pata nang maayos na masahe ang biktima, subalit kalaunan ay hinipo na umano nito ang suso ng huli at hinalikan pa.

Bukod dito,ipinasok pa umano ng suspek ang kanyang daliri sa kaselanan ng biktima, subalit nanlaban na ang huli.

Agad na nagsampa ng reklamo ang biktima nang pang-aabuso sa otoridad at inaresto ito ng mga otoridad na nakatakdang sampahan ng kasong rape.

vuukle comment

BARANGAY PASONG TAMO

BONIFACIO PATA

BUKOD

HAPONESA

INARESTO

MAGINHAWA ST.

NAGKATAON

QUEZON CITY

VETERANS VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with