^

Police Metro

2 lalaki sinalvage sa QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan bangkay ng dalawang lalaki sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang unang matagpuan ang bangkay ng unang lalaki sa may Tandang Sora Avenue, Barangay Talipapa.

Isinalarawan ang lalaki na nasa edad na 30-35, may taas  na 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay gray na t-shirt, at camouflage na short pants. May tattoo rin ito na “Joel Baseco” sa tiyan at BCJ 32 sa kanang tuhod at may mga tama ng saksak ng icepick sa kanyang katawan at bakas ng pananakal sa leeg.

Ang ikalawang bangkay ay natagpuan kahapon ng alas-6:00 ng umaga nang nagpapatrulyang barangay tanod sa may Sampaguita St., DRJ Village, Brgy. Sauyo.

Ang biktima ay nakasilid sa isang itim na garbage bag na may puting sako na binalutan ng packaging tape at may nakasulat na katagang “akyat bahay, rapist, carnapper, huwag tularan, sunod na kayo!”

Inilarawan na nasa edad 40-45; nakasuot ng itim na t-shirt at checkerd na kulay blue na short pants, at katamtaman ang pangangatawan.

May nakalagay na nylon cord na may metal bar sa paligid ng leeg ng biktima na indikasyon na pinaslang ito sa pamamagitan ng sakal.

vuukle comment

AYON

BARANGAY TALIPAPA

BRGY

HINIHINALANG

INILARAWAN

JOEL BASECO

QUEZON CITY

SAMPAGUITA ST.

TANDANG SORA AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with