^

Police Metro

Brgy. Tanod kinatay ng mag-utol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinadtad ng taga ang isang Barangay Tanod nang magkapatid na hinihinalang kaaway nito sa Barangay Tandu-Comot, Mabuhay, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Usman Samson, 42 anyos, aktibong tanod at residente sa lugar habang pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspects na sina Ahni Egasan at Assan Egasan.

Ayon kay Police Regional Office 9 Spokesman C/Insp. Ariel Huesca, ang brutal na pagpatay sa biktima ay naganap dakong alas-8 ng umaga.

Bibili lang umano ng isda ang biktima ng big­lang sugurin ng taga ng mga suspects at mabilis na tumakas ng makitang patay na ang biktima.

Ayon sa pulisya, posibleng isang dating alitan ang motibo sa pagpatay sa biktima.

 

vuukle comment

AHNI EGASAN

ARIEL HUESCA

ASSAN EGASAN

AYON

BARANGAY TANDU-COMOT

BARANGAY TANOD

POLICE REGIONAL OFFICE

SPOKESMAN C

USMAN SAMSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with