^

Police Metro

4-anyos hinostage, dinedo ng tiyo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 4-anyos na batang lalaki ang pinatay sa saksak ng sariling tiyuhin matapos na siya ay i-hostage kahapon ng umaga sa Barangay Maharlika, San Jose del Monte, Bulacan.

Ang biktima ay kinilalang si Dennis Sibaluca Jr.

Ayon sa pulisya, armado ng balisong ang suspek na si Jose Puyo Jr., nang i-hostage nito ang batang pamangkin.

Sa inisyal na ulat, na ang  suspek ay tatlong araw pa lang nakatira sa bahay ng biktima mula ng duma­ting ito sa Naga City.

Nagkaroon ang suspek at misis ng kanyang pinsan ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Maharlika nang bihagin nito ang bata dakong alas-9:00 ng umaga.

Nang rumesponde ang mga pulis sa lugar ay natakot ang suspek kung kaya’t agad nitong sinaksak ng limang beses ang bata.

Nasaksihan ng mga pulis ang insidente kung kaya’t pinagbabaril nila ang suspek na namatay noon din.

Mabilis na dinala ang bata sa ospital, subalit ito ay idineklarang dead-on-arrival.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY MAHARLIKA

BULACAN

DENNIS SIBALUCA JR.

ISANG

JOSE PUYO JR.

MABILIS

NAGA CITY

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with