^

Police Metro

Cardinal Quevedo magre-resign sa puwesto

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Magsusumite ng kanyang resignation kay Pope Francis  ang bagong talagang si Cardinal Orlando Quevedo bilang Arsobispo ng Cotabato.

Sinabi ng Cardinal, walang ibang dahilan kundi ang pagsapit niya sa mandatory age ng pagreretiro sa Marso 11, ang kanyang ika-75 kaarawan.

 Ayon kay Quevedo, nakasaad sa  Code of Canon Law, na ang mga Obispo ng Simbahang Katolika ay kailangang maghain ng resignation pagsapit ng ika-75 taon. Aminado si Quevedo na ngayon ay kailangan na niyang higit na maging maingat sa pagsasalita.

Hindi lamang aniya siya magiging tagapayo sa Santo Papa kundi aakto rin siyang Cardinal ng Mindanao at “unofficial spokesperson” para sa mga Obispo ng Mindanao.

 Kaugnay nito, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na kumpiyansa siya na hindi tatanggapin ng Santo Papa ang pagbibitiw ni Quevedo dahil katatapos lang niyang maluklok bilang Cardinal.

Sinabi ni Cruz na ang isang Cardinal ay maaaring magretiro sa edad na 80.

Napag-alaman na sumapit noon sa edad na 75 sina Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales at Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal na parehong nagsumite ng resignation subalit sila ay pinayuhan ni Pope Benedict XVI na magpatuloy sa kanilang tungkulin.

 

vuukle comment

CARDINAL

CARDINAL ORLANDO QUEVEDO

CEBU ARCHBISHOP RICARDO CARDINAL VIDAL

CODE OF CANON LAW

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

MANILA ARCHBISHOP GAUDENCIO CARDINAL ROSALES

MINDANAO

POPE BENEDICT

POPE FRANCIS

QUEVEDO

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with