^

Police Metro

Tumalon sa 18th floor: Call center agent nalasog

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkalasog-lasog ang katawan ng call center agent matapos umano itong tumalon mula sa 18th floor ng gusali sa Makati City, kahapon ng umaga.

Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng pulisya ang tunay na pangalan nang nasawing biktima na kinilala lamang ito sa isang “alias Aser” umuupa ito sa Room 1807, 18th floor, Western Ayala Tower, na matatagpuan sa Urban Avenue, Barangay Pio del Pilar ng naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Rico Caramat, nabatid na ang insidente ay naganap dakong  alas-10:41 ng umaga.

Ayon kay SPO1 Caramat, wala pa silang gaanong detalye hinggil sa pagtalon ng biktima at inaalam pa rin nila ang buong pangalan nito.

Sinasabing ang biktima ay pinaniniwalaang isang Chinese national at nagtratrabaho umano ito bilang call center agent sa  isang tanggapan sa naturang gusali. Patuloy pa nilang iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

ASER

AYON

BARANGAY PIO

CARAMAT

HABANG

MAKATI CITY

NAGKALASOG

RICO CARAMAT

URBAN AVENUE

WESTERN AYALA TOWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with