^

Police Metro

Nalugi sa negosyo... misis, 2 anak minasaker ng ama

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang ama ang pagkalugi ng kanilang lending business at sa sobrang depresyon ay nagawa nitong patayin ang kanyang misis at dalawang anak  bago sinilaban sa loob ng kotse at pagkatapos ay nagpakamatay na naganap kamakalawa sa Tagbilaran City, Bohol.

Ang nasawing mag-iina ay kinilalang sina Cindy Co, 36; mga anak nitong sina James Martin, 10 at James Andrei, 5 na nagtamo ng mga tama ng bala ng cal 9 MM sa ulo.

Pagkatapos na mapatay ng suspek na si James Co, 36 ang kanyang mag-iina ay inilagay ito sa kanilang kotse at sinilaban.

Sa salaysay ng ilang residente na nakasaksi sa pangyayari, pinagbabaril ng desperadong mister ang kaniyang pamilya sa loob ng kanilang sasakyan na isang Nissan Sentra dakong alas-11:00 ng umaga sa Brgy. Dampas, Tagbilaran City.

Hindi pa nakuntento ay binuhusan ng gasolina ng nasabing mister ang behikulo saka sinilaban ito na habang nasusunog ay pumasok ito sa loob ng sasakyan saka nagbaril din sa sarili.

Ang bangkay ng pamil­ya ay natusta sa insidente nang marekober ng mga nagrespondeng otoridad.

Nakakuha ang mga otoridad ng isang suicide note ng mister sa loob ng kanilang bahay bago isinagawa ang krimen na dulot nang pagkadepresyon sa pagkalugi ng lending business.

vuukle comment

BOHOL

BRGY

CINDY CO

DAMPAS

JAMES ANDREI

JAMES CO

JAMES MARTIN

NISSAN SENTRA

TAGBILARAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with