^

Police Metro

Nang-rape at pumatay sa 6-anyos nadakip na

Ludy Bermudo, Dianne Rivera, Katrina Quiamco - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang araw matapos gawin ang panghahalay at pagpatay sa isang 6-anyos­ na batang babae ay agad na nadakip ng mga otoridad sa isinagawang follow-up operation ang suspek na kapitbahay pala ng biktima sa Pandacan, Maynila.

Sa isinagawang “Oplan Pink Angel” na binuo ng Manila Police District-Station 10 nadakip ang suspek na si Mark Leo Avila alyas “Ryan”  34, pedicab dri­ver, residente ng no. 1723 Kahilum 1, Pandacan, Maynila, at kapitbahay ng biktimang si Arlyn Joy Balolong.

Magugunita na ang bata ay ginahasa at pinatay ng suspek bago inabandona sa madamo at madilim na bahagi ng Old PNR station, sa Paco, Maynila noong Lunes ng alas-12:30 ng madaling araw.

Nabatid na nakatulong sa mga otoridad sa paghahanap sa suspek nang makipag-ugnayan ang may-ari ng CE Printing Services Company na nakunan ng kanilang closed circuit television (CCTV) na akay-akay ng suspek ang bata patungo sa lumang PNR station at ilang minuto ang nakalipas ay lumabas ang suspek na nag-iisa na  lamang.

Ginalugad ng mga otoridad ang lugar hanggang mamataan ang suspek na pumapasada ng pedicab sa kanto  ng Kahilum 1 at
Macopa St., sa Pandacan, dakong alas-8:00 ng gabi at ito ay inaresto.

Inamin ng suspek sa mga otoridad na siya ang may kagagawan ng krimen matapos na tumira ng ipinagbabawal na droga. Kasong rape with murder ang isinampang kaso sa suspek

vuukle comment

ARLYN JOY BALOLONG

KAHILUM

MACOPA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARK LEO AVILA

MAYNILA

OPLAN PINK ANGEL

PANDACAN

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with