^

Police Metro

Magkasintahan binoga habang namamalengke

Cristina Timbang - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 23-anyos na babae habang nasugatan naman ang nobyo nito matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang namimili sa labas ng  isang mall kamakalawa sa Brgy. Burol 1 Dasmariñas City, Cavite.

Ang nasawi noon din dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo ay kinila­lang si Manilyn  Fernandez, 23, dalaga, residente ng Blk 9-D, Lot 10, Brgy. San Andres 1 ng lungsod na ito. Habang ang nobyo nito na nasugatan ay kinilalang si Jeffrey Solaiman alias Saddam, nasa hustong gulang.

Sa ulat, alas-5:20 ng hapon ay magkakasama ang magkasintahan na namimili sa labas ng SM Hypert Mart Mall, Kadiwa nang tabihan ng isang lalaki at walang sabi sabing binaril ng dalawang beses ang babae sa ulo at ganun din ang nobyo nito na nasugatan.

Anggulong love triangle ang sinisiyasat ng  pulisya matapos na umanong makatanggap ng pagbabanta ang napatay na babae hinggil sa relasyon nito kay Sadam.

Inaresto naman si Sa­dam habang nasa ospital dahil sa may pending itong warrant of arrest sa kasong theft.

vuukle comment

ANGGULONG

BRGY

BUROL

CAVITE

DASMARI

HYPERT MART MALL

JEFFREY SOLAIMAN

SAN ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with