^

Police Metro

Kawani utas sa P.5-M payroll robbery

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng apat na kalalakihan ang tatlong kawani ng livestock company na kung saan isa rito ang nasawi at pagkasugat ng dalawa sa  naganap na payroll robbery kamakalawa sa San Fernando City, Pampanga.

Hindi na umabot ng buhay sa Mt. Carmel Hospital ang biktima na si Gabriel Comboy dahil sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Ferdinand Mon,  security/bodyguard at ang liason officer na si Mhariel Tamundong-Soriano na pawang empleyado ng Red Dragon Farm Feed (RDF) Livestocks and Food Inc., na matatagpuan sa Brgy. Lara sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat, bandang ala-1:30 ng hapon ay lulan ang mga biktima ng kulay abong Toyota Lite Ace (WSI-661) dala ang P500,000 payroll money para sa kanilang mga empleyado at trabahador  at binabaybay ang Mc Arthur Highway nang harangin ng mga suspek na lulan naman ng kulay itim na Nissan Sentra at Honda XRM motorcycle.

Nagawa ni Mon na makipagpalitan ng putok sa mga suspek na ikinasugat ng isa sa mga holdaper na si Ivan Perez, 38, ng JP Rizal, Cembo, Makati City.

vuukle comment

DRAGON FARM FEED

FERDINAND MON

GABRIEL COMBOY

IVAN PEREZ

LIVESTOCKS AND FOOD INC

MAKATI CITY

MC ARTHUR HIGHWAY

MHARIEL TAMUNDONG-SORIANO

MT. CARMEL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with