^

Police Metro

2 Indian trader niratrat, 1 utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang dalawang Indian national ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo na ikinasawi ng isa at malubhang pagkasugat ng isa pa kamakalawa sa Calabanga,  Camarines Sur.

Idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa tama ng mga bala sa katawan ang biktimang si Navjot Singh, 26, ng Peralta St., Villa Sorabella Subdivision, Concepcion Grande ng Naga City.

Habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang kasamahan nitong si Lakhwinder Singh, 33.

Sa ulat, alas-11:26 ng umaga ay nag-uusap ang dalawa sa kahabaan ng Zone 4, Brgy. San Roque, Calabanga, Camarines Sur nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima ng  kaibigang si Paramjit Singh, pero nabigo ng maisalba ang buhay ni Navjot.

Inaalam ng mga otoridad ang motibo nang pananambang at sino ang mga suspek.

vuukle comment

CALABANGA

CAMARINES SUR

CONCEPCION GRANDE

LAKHWINDER SINGH

NAGA CITY

NAVJOT SINGH

PARAMJIT SINGH

PERALTA ST.

SAN ROQUE

VILLA SORABELLA SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with