^

Police Metro

Misis sinilaban ang ari

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binuhusan ng gasolina bago sinilaban ng isang misis ang kanyang ari matapos na tumanggi na maki­pagtalik sa kanya ang mister naganap kamakalawa sa Brgy. Tayud, Liloan, Cebu.

Sa ulat na tinanggap ni Chief Inspector Jose Liddawa, hepe ng Liloan Police, ang biktima na nagtamo ng 3rd degree burn ay ipinatago ng pamilya nito sa pangalang Maritess na patuloy na inoobserbahan sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.

Sa ulat, ang insidente ay naganap kamakalawa ng umaga dahilan umano sa sobrang depresyon ng misis na hindi na sinisipingan ng kaniyang mister

Naghihinala umano ang nasabing misis na may kinalolokohang ibang babae ang kaniyang mister dahilan sa panlalamig ng pakikitungo nito sa kaniya.

Napapansin din ng misis na palaging umaga na umano kung umuwi ang mister galing sa trabaho na nagbibihis lamang saka umaalis na ng bahay.

Bago ang insidente ay nag-away ang  mag-asawa hinggil sa umano’y pambabae ng nasabing mister na labis na dinamdam ng ginang na palaging halos tulala at hindi makausap na humantong sa insidente.

Laking gulat naman ng ina nito nang makita na nagliliyab ang gitnang bahagi sa pagitan ng hita ng kaniyang anak at nasa tabi nito ay isang bote na pinaglagyan ng ibinuhos nitong gasolina.

vuukle comment

BINUHUSAN

BRGY

CEBU

CEBU CITY

CHIEF INSPECTOR JOSE LIDDAWA

LILOAN

LILOAN POLICE

MARITESS

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with