^

Police Metro

2 salvage victim nakita sa QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa isang barangay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, isa sa mga biktima ang hindi pa nakikilala habang ang isa ay natukoy sa nakuhang identification card mula sa kanya na si Carlos de Guzman.

Ang hindi pa nakikilalang biktima ay nakasuot ng kulay green na t-shirt at dark na asul na short pants na tinatayang nasa edad na 35-40, kayumanggi, may taas na 5’5 at may tattoo na Eve­lyn, Jeffrox at Murphy.

Habang si de Guzman na nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt at itim na short pants ay isinala­rawan sa pagitan ng edad na 35, may taas na 5’6”, kayumanggi, at may mga tattoo na “Mallari Marc” at “Flores R-Vie” sa katawan.

 Sinabi ni Fabreag, nagsasagawa pa siya ng masusing imbestigasyaon para matukoy at madakip ang mga taong responsable sa pagpatay sa dalawang biktima.

Aniya, ang dalawang biktima ay pinaslang halos isang oras ang pagitan sa Barangay Bahay Toro, kamakalawa ng alas-9:30 ng gabi.

Kapwa nagtamo ng tama ng bala sa ulo gayundin ang bakas ng pagkakasakal sa kanilang leeg ang dalawang biktima.

 

vuukle comment

ANIYA

AYON

BARANGAY BAHAY TORO

BIKTIMA

FLORES R-VIE

GUZMAN

MALLARI MARC

PASCUAL FABREAG

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with