^

Police Metro

Cell phone store sa mall naholdap

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matagumpay na naholdap ng isang holdaper ang isang cellphone store sa loob ng SM Mall of Asia kamakalawa sa Pasay City.

Sa salaysay ni Joyce Ann Bantayanon,assistant officer-in-charge ng Fone Style cellphone store sa Unit NP200 sa ikalawang palapag ng SM MOA na natangay ang tatlong mamahaling cellphone na may halagang higit sa P30,000 bawat isa at laman ng kaha na aabot sa P50,974 ng nag-iisang holdaper  ng  suspek na nakasuot ng short pants, puting t-shirt, at pulang baseball cap.

Ayon kay Bantayanon, na nag-aayos pa lamang siya ng display na cellphone sa loob ng tindahan dakong alas-9:56 ng umaga nang pumasok ang salarin na nagkunwaring kustomer at nagtanong kung may tinda silang Samsung S4 phone.

 Habang kinukuha niya ang pang-demo na cellphone, binaligtad na ng salarin ang “open sign” sa “close sign” sa pinto ng shop upang walang pumasok na ibang kustomer saka siya tinutukan ng patalim.

Tinangka pa umano niyang manlaban ngunit ginulpi siya ng holdaper at saka iginapos gamit ang packaging tape bago tinangay ang pera ng kaha at tatlong pinakamahal na cellphone.

Sinabi ng biktima sa pulisya na tinangka niyang habulin ang suspek nang magawang makalag ang gapos subalit hindi na niya ito inabutan..

 

vuukle comment

AYON

BANTAYANON

CELLPHONE

FONE STYLE

HABANG

JOYCE ANN BANTAYANON

MALL OF ASIA

MATAGUMPAY

PASAY CITY

SAMSUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with