^

Police Metro

Patalim itinarak sa bibig ng bebot

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniwan pang nakatarak sa bibig ng isang 23-anyos na babae ang patalim na isinaksak sa kanya ng kanyang live- in partner sa matapos na sila ay mag-away kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Kimberly Hernandez, ng no. 2118 F. Alme­da St., Tondo, Maynila.

Nadakip agad ang suspek na si Dennis Ryan Pangan, 24, live-in partner ng biktima, service crew ng Jollibee Universal branch, CM Recto Ave­nue, Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa ulat, dakong  alas-12:40 ng mada­ling araw nang madis­­­­kubreng patay ang biktima sa ikalawang palapag ng inuupahang apartment sa nasabing lugar.

Bago nadiskubre ang krimen ay nakipag-inu­man pa ang biktima dakong alas-9:00 ng gabi sa kapatid na si Daniella Hernandez at kaibigang si Dave Penzo sa bakanteng lote malapit sa kanilang bahay at natapos dakong alas-12:00 ng  hatinggabi.

Dakong 12:40 ng madaling araw nang  sumunod si Daniella at Dave sa bahay ng biktima upang isoli ang ginamit na DVD at speaker sa kanilang inu­man nang nadatnan nila  ang biktima na nakahiga sa isang kahoy na upuan.
Nang buksan ang ilaw ay bumulaga sa kanila ang kalagayan ng biktima na nakitang nakatarak pa ang kutsilyo sa bibig kaya’t ini-report nila ito sa barangay na siya namang nag-report sa pulisya.

Naaresto ang suspek dakong alas-5:10 ng umaga nang makita ito ng mga barangay tanod na tumatakbo at may dalang bagpack sa Ipil St.

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng nag-away ang dalawa dahil sa madalas na pag-inom ng biktima sa tuwing nasa trabaho ang suspek.

 

vuukle comment

BIKTIMA

DANIELLA HERNANDEZ

DAVE PENZO

DENNIS RYAN PANGAN

IPIL ST.

JOLLIBEE UNIVERSAL

KIMBERLY HERNANDEZ

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with