^

Police Metro

Mekaniko pisak sa fire truck

Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Durog ang ulo at katawan ng isang 58-anyos na helper mechanic matapos na magulungan ng fire truck na kanyang kinukumpuni nang paandarin ng kanyang chief mechanic kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Dominador Laguerta, ng  Javier  St., Barangay Baritan ng naturang lungsod.

Ang suspek na dinakip ng pulisya ay nakilalang si Anastacio Espeñol, 50, ng  Nicolas St., Barangay  Niugan ng naturang siyudad at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon  sa kanto ng G. Soriano at N. Nicolas Sts., ay kasalukuyang kinukumpuni ng  biktima at suspek ang fire truck ng San Antonio De Padua Fire and Rescue Volunteer Brigade (CRW-237).

Habang kinukumpuni ng biktima ang preno ng fire  truck sa hulihan ay  bigla umano itong  pinaandar ng suspek at dahil sa palusong ang kalsada ay hindi napigilan ang pagdausdos hanggang sa nagulungan ang biktima.

ANASTACIO ESPE

BARANGAY BARITAN

DOMINADOR LAGUERTA

DUROG

MALABON CITY

NICOLAS ST.

NICOLAS STS

SAN ANTONIO DE PADUA FIRE AND RESCUE VOLUNTEER BRIGADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with