^

Police Metro

2 holdaper utas sa shootout

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang dalawang holdaper nang sila ay makipag barilan sa mga pulis matapos nilang holda­pin ang isang pampasaherong jeep sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, may hawak ng kaso, patuloy na inaalam ang pagkaka­kilanlan sa mga napaslang na suspek habang ang isa pa nilang kasama ay nakatakas.

Nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-10:45 ng gabi sa kahabaan ng Quezon Avenue, Quezon City.

Ang tatlong suspek ay sumakay sa isang pam­pasaherong jeep na may plakang TXE-724  na minamaneho ng isang Bobby Caseres, 29 anyos sa may Welcome Rotonda.

Habang binabagtas ng jeep ang kahabaan ng Quezon Avenue malapit sa D. Tuazon ay nagdeklara ng holdap ang tatlo at kinuha ang gamit ng mga pasahero.

Nang bumaba ng jeep ay namataan naman ng mga nagpapatrolyang pu­lis sa Galas Station kaya hinabol ang mga suspek.

Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sa mga awtoridad  at nagkaroon ng running gun battle hanggang sa  makorner ang dalawa.

Pilit na pinasusuko ng mga awtoridad ang da­­lawa pero sadyang pasaway at palaban na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Nabawi mula sa na­paslang na mga suspek ang gamit ng mga pasahero ng jeep tulad ng bag, wallet at cell phone at tatlong kalibre 38 revolver na sinasabing ginamit sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

 

vuukle comment

AYON

BOBBY CASERES

GALAS STATION

HERMOGENES CAPILI

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

SHY

WELCOME ROTONDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with