^

Police Metro

Ayaw manlibre comatose sa gulpi

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa comatose na kalagayan ang isang 23-anyos na binata nang mabagok ang ulo nito sa semento matapos na pagtulungang gulpihin ng dalawang lalaki na kumursunada sa kanya habang kumakain ng lugaw kahapon ng madaling-araw sa CM Recto, Sta. Cruz, Maynila.

Ang biktima na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ay nakilalang si Junnel Samson, service crew sa Chowking at residente ng no. 832 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa ulat, dakong ala-1:15 ng madaling-araw ay kumakain ng lugaw ang biktima sa kanto ng Recto at Oroquieta Sts., nang duma­ting umano ang dalawang lalaking suspek na kapwa nasa pagitan ng 25-30.

Habang kumakain umano ang dalawang suspek ay nagpasaring ang isa ng “suwerte naman me magbabayad na ng kinain natin”.

Sumagot ang biktima nang, “bakit ako magbabayad ng kinain nyo, kaibigan ba kita?..hindi nga kita kilala e”.

Nauwi sa sagutan at pinagtulungang suntukin ng dalawa ang biktima na bumagsak  sa sementadong kalsada ang ulo at nawalan ng malay.

 

vuukle comment

BATAY

CRUZ

HABANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

JUNNEL SAMSON

MAYNILA

NAUWI

OROQUIETA ST.

OROQUIETA STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with