^

Police Metro

Jeepney driver pinatay ng pasahero

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binaril at namatay ang isang jeepney driver ng kanyang pasahero sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa mukha ang nasa­wing si Christopher Enclona, 36-anyos, ng Bayabas Street, Sto. Niño, Brgy. Western Bicutan, ng naturang lungsod. 

Sa ulat ng Taguig City Police, bumibiyahe dakong alas-9:40 ng gabi ang biktima sa kahabaan ng C5 Road nang barilin ng hindi pa kilalang salarin ang biktima pagsapit sa bahagi ng Brgy. Pinagsama, sa naturang lungsod.

Sinabi sa mga imbestigador ng live-in partner ng biktima, na may nakaaway na motorista ang kanyang kinakasama dalawang araw na ang nakakalipas dahil sa gitgitan ng sasakyan.  Nagbunot umano ng baril ang naturang nakaaway na lalaki at pinagbabaril si Enclona na masuwerteng hindi tinamaan makaraang mapaandar agad ang kanyang jeep.

Matapos nito, dalawang araw na hindi pumasada si Enclona matapos na lagnatin dahil sa insidente na hindi na nila iniulat sa pulisya.  Nang gumaling, muling pumasada ang biktima ngunit dito na ito napaslang.

Hinala ng pulisya, maaaring hinanting o sadyang inabangan ng salarin ang muling pagpasada ng biktima para isakatuparan ang krimen.

vuukle comment

BAYABAS STREET

BINARIL

BRGY

CHRISTOPHER ENCLONA

ENCLONA

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

WESTERN BICUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with