^

Police Metro

9 bilanggo umeskapo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umeskapo ang siyam na preso sa Tinagis Penal Farm sa Pili, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Police Regional Office V (PRO-V), kinilala ang mga pinaghahanap na pugante na sina Rolly Cabaltera, Roland Negrido, Juan Polidario, Gilford Embile, Muriel San Joaquin, Richard Tele, Erwin Capuz, Eugene Brutas at Cea Kalim.

Naganap ang pagtakas ng mga nasabing preso sa Tinangis Penal Farm na matatagpuan sa Brgy. Tinangis, Brgy. San Jose, Pili, Camarines Sur dakong alas-2:15 ng madaling araw.

Sinamantala umano ng mga preso na makalingat ang kanilang mga bantay ng isagawa ang pagpuga.

Kaagad namang bumuo ng tracking team ang mga awtoridad upang tugisin ang naturang mga preso at inalerto rin ang komunidad dahil mapanganib at armado ang mga tumakas na preso.

Iniimbestigahan na ang kasong ito at inaalam na rin ang pananagutan ng mga jailguard sa naganap na pagtakas.

vuukle comment

BRGY

CAMARINES SUR

CEA KALIM

ERWIN CAPUZ

EUGENE BRUTAS

GILFORD EMBILE

JUAN POLIDARIO

MURIEL SAN JOAQUIN

POLICE REGIONAL OFFICE V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with