^

Police Metro

Market inspector itinumba

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong araw ang lumipas matapos barilin at mapatay ang isang market collector ay binaril din at napatay ang kasama nitong market inspector kahapon ng umaga sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang si Roger Pineda, 38, market inspector ng Commonwealth Market, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay naglalakad ang biktima sa Steve St., pauwi sa kanilang bahay mula sa palengke na pinapasukan nang lapitan ng dalawang lalaki at pagbabarilin.

Matapos ang pagpatay ay kaswal na naglakad papalayo ang mga suspek na parang walang nangyari.

Ang biktima ay kasamahan nang nauna nang pinaslang na si Rosario Tortoles, 52, market collector sa naturang palengke noong nakaraang Biyernes.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kaugnayan sa kanilang mga trabaho ang pagpatay sa dalawang opisyal ng palengke.

 

vuukle comment

BARANGAY COMMONWEALTH

BATAY

BIYERNES

BRGY

COMMONWEALTH MARKET

MALAKI

QUEZON CITY

ROGER PINEDA

ROSARIO TORTOLES

STEVE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with