^

Police Metro

2 karnaper tumba sa engkuwentro vs QCPD

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang karnaper ang tumumba habang isa ang nakatakas sa lungsod Quezon makaraang lumaban sa pulisya ilang minuto matapos na agawan ng motorsiklo ang isang lalaki kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ni Police Supt. Eleazar Matta hepe ng Quezon City Police Station 6, patuloy na inaalam  ang pagkakakilanlan ng mga nasawi dahil walang nakuhang identification card sa kanilang katawan nang maganap ang insidente.

Inagawan umano ng mga suspect ng motor ang biktimang si Robert Codilla 24, ng Steve St., Barangay Commonwealth.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap sa panulukan ng Peria Road, at Talisay St.,  Barangay Old Balara, ganap na alas-12 ng madaling-araw.

Ayon sa biktima, sakay siya ng isang motorsiklo at tinuturuan magmaneho ang kanyang kaibigang babae nang biglang sumulpot ang mga suspect sakay din ng motorsiklo at saka sila ginitgit. Agad naman nakatayo ang biktima at nakahingi ng saklolo  sa barangay.

Natiyempuhan naman ng mga nagpapatrolyang tauhan ng Station 6 ang mga suspect at nang sitahin ay agad na pinaputukan nito ang una. Ilang minuto rin lumaban ang mga suspects na ikinasawi ng dalawa sa mga ito habang nakatakas ang isa.

vuukle comment

AYON

BARANGAY COMMONWEALTH

BARANGAY OLD BALARA

ELEAZAR MATTA

PERIA ROAD

POLICE SUPT

QUEZON CITY POLICE STATION

ROBERT CODILLA

STEVE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with