^

Police Metro

Trader todas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem ha­bang ang biktima ay nakatayo sa harap ng kanyang shop sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Reynaldo de Guzman, 50, may-asawa, nakatira sa #29 Magnolia St., Dominga Subdivision, Brgy. Talipapa sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Eric Lazo, nabatid na dakong alas-3:45 ng hapon ng maganap ang krimen sa harap ng Rey Bet Auto shop na matatagpuan sa #40 Mindanao Avenue, Quezon City.

Ayon sa report, nakatayong nakikipag-usap umano ang biktima sa kanyang kostomer sa shop nang biglang dumating ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo.

Nilapitan umano ang biktima at walang sabi-sabing binaril ng dalawang beses sa katawan.

Nang matiyak ng mga suspek na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas sakay din ng motorsiklo na hindi nakuha ang plaka patungo sa direksiyon ng Sangandaan Avenue.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang dalawang piraso ng basyo ng kalibre .45 na sinasabing ginamit ng mga suspek sa krimen.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng krimen, makilala at madakip ang dalawang salarin.

vuukle comment

AYON

BRGY

DOMINGA SUBDIVISION

ERIC LAZO

MAGNOLIA ST.

MINDANAO AVENUE

QUEZON CITY

REY BET AUTO

SANGANDAAN AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with