^

Police Metro

Trader todas sa tandem

Cristina Go-Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng isang Travel Agency, sa Trese Martirez City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Ronald Adubal, 33, may asawa na nakatira #051 Brgy. Luciano ng nasabing lunsod.

Sa imbestigasyon ni PO1 Eugene Baird, may hawak ng kaso, dakong alas-6:10 ng gabi ng ma­ganap ang insidente sa tapat ng Port 2 Travel and Tours Agency.

Ayon sa report, habang nakatayo ang biktima nang huminto sa kanyang harapan ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek.

Agad umanong bumunot ng baril ang dalawa at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Nang duguang bu­magsak ang negosyante at matiyak na patay na ito ay saka mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo, dibdib at tiyan na siyang dahilan ng on-the-spot na kamatayan.

Narekober ng pulisya ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril sa kinaganapan ng krimen.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga tauhan ng Trese Martirez City police upang mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang mga tumakas na salarin.

 

 

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CAVITE

EUGENE BAIRD

LUCIANO

RONALD ADUBAL

TRAVEL AGENCY

TRAVEL AND TOURS AGENCY

TRESE MARTIREZ CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with