^

Police Metro

Bomber naputulan ng ulo sa pagsabog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang lalaki na hinihinalang bomber ang nagutay ang katawan at natangga­lan ng ulo matapos na su­mabog ng wala sa oras ang bombang itinatanim nito sa national highway ng La­bangan, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, dakong alas-9:35 ng gabi nang ma­ganap ang pagsabog sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Tapodoc, Laba­ngan ng lalawigan.

Sa pagresponde ng mga otoridad ay narekober ang isang 60 MM mortar shell at cell phone na ginawang triggering device at gutay ng katawan at walang ulo na lalaki na hinihinalang siyang may dala ng bomba na sumabog.

Inaalam ang pagkaka­kilanlan ng nasabing lalaki at ang grupong kinabibila­ngan nito.

Sa pagsasagawa ng clearing operations ay isa pang bomba ang narekober may 15 metro mula sa explosion site na mabilis namang nai­detonate ng mga awtoridad dakong ala-1:30 ng madaling-araw kahapon.

vuukle comment

BATAY

BRGY

INAALAM

ISANG

LABA

LALAKI

SHY

TAPODOC

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with