^

Police Metro

Duwelo sa lamay: 3 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang dating vice mayor, utol at bodyguard ng kasalukuyang mayor na kalaban nila sa pulitika ang nasawi nang magduwelo sa isang lamayan kamakalawa sa bayan ng Dolores, Abra.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina ex-Vice mayor Dante Guzman, 53, kapatid nitong pulis na si PO3 Dindo Guzman, 45 at kalaban nilang si Jun Cabanawan, 48.

Patuloy namang nila­la­patan ng lunas ang dalawang sugatan na kinilalang sina Christopher Tordil, 40, at Cesar Zapat, 34.

Sumuko naman sa pulisya ang itinuturong nagsimula ng kaguluhan na si Christian Cortez.

Sa ulat, bago naganap ang insidente bandang alas-11:20 ng gabi  ay nagsusugal sa lamay ang mga biktima nang magkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan na humantong sa bangayan nina PO3 Guzman at Cortez .

Tinangka umanong kapkapan ni PO3 Guzman ng baril si Cortez, pero umiwas ito at lumabas sa bakuran ng bahay.

Sinundan ni PO3 Guzman si Cortez at dito na nag-umpisang mamaril ang huli kung saan ng marinig naman ng dating bise alkalde ang putok ng baril ay sumunod ito sa labas at muling umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Kasalukuyan namang ina­alam kung paanong na­pasali sa barilan si Caba­na­wan na hinihinalang tinulu­ngan ang kasamahan niyang si Cortez habang nasugatan din sa insidente ang dalawa pang biktima. Naghihinala naman ang mga residente sa lalawigan na may bahid pulitika ang insidente dahilan magkalaban ang pamilya Guzman at ang kasalukuyang alkalde dito na si Mayor  Robert Victor “Jay R” Seares na kung saan ay bodyguard umano nito sina Cortez at Cabanawan at ang dalawang nasugatan.

vuukle comment

CESAR ZAPAT

CHRISTIAN CORTEZ

CHRISTOPHER TORDIL

DANTE GUZMAN

DINDO GUZMAN

GUZMAN

JAY R

JUN CABANAWAN

ROBERT VICTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with