^

Police Metro

Umawat sa away: Supervisor tinarakan, tigok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 34-na taong gulang na supervisor habang umaawat nang saksakin ng kaaway ng kanyang pinsan sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Tagos sa puso ang saksak sa kaliwang dibdib  na ikinasawi ng biktimang si  Sonny Tuazon, supervisor ng Prime Line Corporation at naninirahan sa  #1537-4 Zapiro St., San Andres, Maynila.

Sinubukan pang ilig­tas ng mga doktor sa Sta. Ana Hospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

Sugatan din ang isang Erwin Bautista, 35, ng  #2641 Barobo St., Sta. Ana, Maynila, na umawat din sa away.

Tumakas naman ang mga suspek na kilala lamang sa alyas “Dagul” at isang alyas “Tulindoy”, na sumugod umano sa loob ng bahay ni Jonas Nuguid, 34, sa  #2567 Pasig Line St., Sta. Ana, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:15 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente sa bahay ni Nuguid.

Bago maganap ang insidente ay sinasabing nag-inuman ang biktimang si Tuazon at pinsang si Nuguid sa tahanan  nito, kasama si Bautista dahil piyesta umano sa lugar.

Habang nagkakasa­yahan ang tatlo ay big­lang dumating sina Dagul at Tulindoy. Sinapak umano ni Dagul si Nuguid hanggang sa magsitayo at umawat umano ang pinsang si Tuazon kaya siya ang tinarakan ni Dagul.

Nasugatan din sa braso si Bautista sa pag-awat, hanggang sa tumakas na ang dalawang suspek. Hinala ng imbestigador na may dati nang alitan kaya sinugod si Nuguid ng mga suspek.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

BAROBO ST.

BAUTISTA

DAGUL

ERWIN BAUTISTA

JONAS NUGUID

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NUGUID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with