^

Police Metro

Call center agent tsinap-chop

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang call center agent ang hinoldap at tsinap-chop saka itinapon ang bangkay nito na putol ang ulo at dalawang binti sa Matimyas at Maceda Sts, Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima ng misis nitong si Thea Abesamis na si Mark Reau Abesamis, 32, residente ng CG-1 Diego Silang St., T.S Cruz Subdivision, Novaliches, Quezon City.

Sa pahayag ni Thea kay SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District Homicide Section, kamakalawa pa umano sila huling nagkita ng mister, nang magpaalam na magtutungo sa isang gymnasium sa SM Fairview ganap na alas-8:00 ng umaga at umalis ng kanilang bahay dala ang kanyang kulay itim na Toyota Altis na may plakang NOY-611.

Anang ginang, bandang ala-1:30 ng hapon ay tinawagan siya nito at nagsabing didiretso ito sa isang kaibigan na si George Martinez sa Aurora Blvd., Quezon City para sa kanilang planong magnegosyo ng car repair shop.

Ganap na alas-6:00 ng gabi ay umalis na sa bahay ni George ang biktima dahil makikipagkita sa isang alyas”Agnes” sa SM Fairview dala umano ang package para sa kanyang padala sa ina na nasa Amerika.

Dakong alas-7: 30 ng gabi ay hindi na umano sumasagot sa tawag sa cell phone ang kaniyang mister.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya ay posible umanong sa bahagi ng Quezon City hinoldap ang biktima at dinala lamang sa bahagi ng Maynila ang bangkay upang mailigaw ang imbestigasyon.

Gayunman, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang tunay na motibo ng krimen hanggang sa madakip ang mga salarin.

 

vuukle comment

AURORA BLVD

DIEGO SILANG ST.

FAIRVIEW

GEORGE MARTINEZ

MACEDA STS

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MARIO ASILO

MARK REAU ABESAMIS

MAYNILA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with