^

Police Metro

6 NPA rebels napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Napatay ng tropa ng militar ang anim na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na ilan ay hinihinalang matataas na opisyal kabilang ang isang amasona sa naganap na engkuwentro sa Purok Santan, Brgy. Bobon II, Camiling, Tarlac kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay Army’s 703rd Infantry Briga­de Commander Col. Henry Sabare, dakong alas-9:45 ng gabi  nang ideploy ang tropa ng 3rd Mechanized Company sa pakikipagko­or­dinasyon sa lokal na pulisya matapos makatanggap ng impormasyon sa presensya ng siyam na mga armadong rebelde sa lugar.

Pagsapit sa lugar ay agad namang pinaputukan ng mga rebelde ang tropa ng militar na nagresulta sa bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng ilang oras at dito ay anim sa mga rebelde ang namatay at ang bangkay ay narekober sa encounter site.

Kabilang sa narekober na bangkay ay isang amasona, isang Aeta at apat na kalalakihan.

Walang naiulat na nasugatan sa mga sundalo at narekober rin ang walong mga armas na kinabibila­ngan ng isang M60 machine gun, isang M14 rifle, dalawang baby armalite at apat na M16 rifles.

 

vuukle comment

AETA

AYON

BOBON

COMMANDER COL

HENRY SABARE

INFANTRY BRIGA

MECHANIZED COMPANY

NEW PEOPLE

PUROK SANTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with