^

Police Metro

4 Bata dedo sa sagasa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Namatay noon din ang apat na batang mag-aaral sa elementarya habang tatlo ang grabeng nasuga­tan matapos na masaga­saan ng service vehicle ng Biliran Electric Coope­rative habang naglalaro sa harapan ng isang state uni­versity sa lalawigan ng Leyte kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Marvic Joefe, 9 at kapatid nitong si Florence Garis 7; Glori Jane, 12 at kapatid nitong si Maria Rosi Ba­calla.

Nasugatan at dinala sa Eastern Visayas Regio­nal Medical Center sa Tacloban City ang mga biktima na kinilalang sina Jennel Napoles, 7; Jea at Cristine Bacalla.

Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi ay kasalukuyang naglalaro ang mga bata sa harapan ng Naval State University na matatagpuan sa highway ng Brgy. San Isidro.

Dito ay mabilis na tu­matakbo ang service vehicle ng Biliran Electric Cooperative na minamaneho ni Poncio Balutan at umano ay nawalan ng control sa manibela kaya’t tuluy-tuloy na sinagasaan ang mga paslit  na agarang ikinasawi ng apat.

Kusang loob na sumuko ang driver sa pulisya na kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal.

vuukle comment

BILIRAN ELECTRIC COOPE

BILIRAN ELECTRIC COOPERATIVE

CRISTINE BACALLA

EASTERN VISAYAS REGIO

FLORENCE GARIS

GLORI JANE

JENNEL NAPOLES

MARIA ROSI BA

MARVIC JOEFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with