^

Police Metro

2 pulis inutas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang pulis nang sila ay pagba­barilin ng hindi pa nakilalang mga suspek sa magkakahiwalay na ambush sa Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang dalawang biktima na sina PO1 Hodang Insan, 35-anyos, na­katalaga sa Isabela City Police, Basi­lan at SPO1 Jaafar Jambiran, nakatalaga sa Zamboanga City Police.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga, ay lulan ng XRM 125 motorcycle ang biktimang si Insan at binabagtas ang kahabaan ng Nuñez St., Zamboanga City at pagsapit sa harapan ng  Atlantic Hardware ay pinagbabaril ito ng dalawang lalaki na sakay din ng motorsiklo.

Namatay si Insan habang nilalapatan ng lunas sa Zamboanga City Medical Center dahil sa tama ng bala ng cal.45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa pahayag ng misis ng biktima sa mga otoridad, bago ang insidente ay nakatanggap na ito ng mga death threat mula sa isang alyas Khan Hataman sanhi umano ng hindi nababayarang utang ng biktima.

Samantala, dakong alas-8:45 naman ng gabi nang pagbabarilin din ng mga salarin si SPO1 Jambiran sa bisinidad ng Brgy. Lower Calarian, Zamboanga City.

Nabatid na nakatayo sa lugar ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek malapit sa may mos­que sa lugar at pagba­ba­rilin ito.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Ciudad Medical Center sa lung­sod pero idineklara na itong dead-on-arrival.

 

vuukle comment

ATLANTIC HARDWARE

CIUDAD MEDICAL CENTER

HODANG INSAN

INSAN

ISABELA CITY POLICE

JAAFAR JAMBIRAN

KHAN HATAMAN

LOWER CALARIAN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with