^

Police Metro

3-anyos hinalay ng binatilyo; 12-anyos ni-rape ng lolo

Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang insidente nang panghahalay ang naganap sa magkahiwalay na lugar na kung saan isang 3-anyos na bata ang ginahasa ng 15-anyos sa bayan ng Gene­ral Nakar, Quezon habang isang 12-anyos ang ginahasa naman ng isang 59-anyos na lolo sa Caloocan City.

Batay sa ulat ng Quezon Police, pasado  alas -6:00 ng umaga nang maaktuhan ng pamilya ang 15-anyos na suspek na  itinago sa pangalang Francis, na hubo’t hubad at  ginagahasa  ang 3-anyos nilang anak na itinago sa pangalang Roxanne.

Agad na inereport ng pamilya ng biktima sa mga otoridad at inaresto ang binatilyo na dinala sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development.

Lumilitaw naman sa inis­yal na imbestigasyon, na bago ang insidente ay madalas umanong makita ng kaniyang mga kalaro ang suspek na nagbabasa ng malalaswang babasahin.

Samantala, inaresto rin ng mga otoridad ang 59-anyos na lolong si Antonio Liquiran, ng Libis Gouitchico, Caloocan City matapos na gahasain dakong ala-1:00 ng madaling-araw ang 12-anyos na biktima na itinago sa Lily sa kanyang barung-barong.

Nabatid na nakatulog ang biktima sa isang naka­pa­radang tricycle at nang makita siya ng suspek ay binuhat ito at dinala sa kanyang barung-barong at doon hinalay.

Nang makauwi ang bik­tima ay dumaing na masakit ang ari at nang tignan ng ina ay nakitahan ng dugo na naging dahilan upang tanungin hang­gang sa aminin na hinalay siya ng suspek.

vuukle comment

ANTONIO LIQUIRAN

ANYOS

BATAY

CALOOCAN CITY

DALAWANG

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

LIBIS GOUITCHICO

LUMILITAW

QUEZON POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with