^

Police Metro

Pedicab driver pinatay ng inampon

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Bala sa ulo ang na­ging gantimpala ng isang 40-anyos na pedicab dri­ver nang siya ay barilin ng inampon na lalaki na kanyang pinatira, pinakain sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bo­nifacio  Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Federico Malonzo, residente ng no. 325 Mabuhay St., Tondo.

Tumakas naman ang suspek na si alyas “Butchoy” matapos ang pamamaril.

Batay sa ulat, dakong  alas-5:30 ng umaga habang nagkakape ang biktima sa kanto ng St. James at Mabuhay Sts. ay binulaga siya ng suspek at agad na pinaputukan sa ulo.

Sa salaysay ng kapatid ng biktima sa pulisya, nagkainitan ang suspek at lover ng biktima na si Rosalyn Rodriguez dahil sa pagbubunganga umano ng huli hinggil sa dagdag gastos nila sa pagpapa­kain sa suspek matapos na ampunin ng biktima.

Humingi pa umano ng pasensiya ang biktima sa suspek na huwag nang patulan ang kaniyang live-in partner, subalit naging dahilan pa ito ng pagtatalo ng suspek at biktima na nauwi sa suntukan hanggang sa lumayas na ang suspek na balak palang paghigantihan ang biktima.

vuukle comment

BIKTIMA

FEDERICO MALONZO

GAT ANDRES BO

MABUHAY ST.

MABUHAY STS

MEMORIAL MEDICAL CENTER

ROSALYN RODRIGUEZ

ST. JAMES

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with